top of page

Tipid tipid din pag may time!

Dahil super love ko ang pagmemakeup at hindi ako makalabas ng di nagpapowder at di naglilip gloss man lang napansin kong masyadong magastos dahil sa halos araw-araw na gumagamit ng makeup mabilis itong nauubos. Para makatipid naisip ko na humanap ng mas murang cosmetics pero quality, yung masasabing 'sulit' :) affordable at di nakakapanghinayang sa pambili.

 

Ang ilan sa aking mga nahanap ay....

Ashley/My/San-San

Super affordable at abot kaya talaga itong Ashley liquid eyeliner at My double lip liner and eyeshadow #248 (nude)P25.00 lang din sa Ever Gotesco  Commonwealth, Petings Gift Shop

 

And my all time favorite San-San lipstick shade no.01 available in all HBC branches for only P100+

 

Tip: 

Imporatante ang lipliner para sa matagal na kapit ng lipstick at para sa mas bonggang effect patungan ng kaunting lipgloss.

XXL Kiss Beauty

believe it or not P65.00 lang ang tripple eye shadow na to, yun nga lang nakipagsiksikan pa  ko sa divisoria para mahanap lang to! hehehe bumili din ako ng ibang kulay.


It contains Loose eyeshadow, Cream Eyeshadow, and Glitter

Tip: 

1. Unang iaaply ang cream shadow, magsisilbi itong base para sa magandang kapit ng shadow

2. Isunod ang loose powder, takpan ang cream shadow na unang inilagay

3. Para sa glitter, maglagay ng pandikit ng false lashes sa cotton buds at idub dahan dahan sa talukap ng mata, tapos ipatong ang glitter...hintayin matuyo :)

Fashion 21

Isa pa sa abot kayang makeup na available sa ating bansa ay Fashion 21 na gawa ng Taiwan, bumili ako ng Cake foundation, concealer at eye shadow​ kit #3

maganda rin yung ibang shades ng eye shadow kaya bibili ulit ako for sure :)

 

Ang cake foundation ay para sa oily skin, at ang liquid foundation ay para sa dry skin, wag maconfuse :) 

 

Ang cake foundation din ang pinakamahirap iblend at ipantay sa skin dahil water base form sya at mabilis matuyo pag apply, kaya make sure tama ang  shade of color na pipiliin at akma sa skin tone. Medyo maputi yung nabili ko dahil shade no.1, kaya bibili ulit ako ng darker shade :)



Tip: 

Wag kalimutang basain ang sponge bago isawsaw sa cake foundation ;-)

Pwede ring patungan ng loose powder o iblend sa concealer.

 

 

bottom of page